Friends

Happy 16th Birthday, Winnie!

Sa lahat ng kaibigan ko ngayong highschool si Winnie yata (tingin ko) pinaka-close ko. Ang kalog nya kasi, mababaw din, yung tipong simpleng bagay tinatawanan agad. Makita nya lang kami tatawa na sya, baliw ano? Hahaha. Siya yung pang goodvibes namin, masayahin kasi, parang walang problema sa buhay. Nung grade 9 pag di namin sya kasama parang ang lungkot. Sasabihin ko pa ba na masaya sya kasama? Obvious naman na e. Maganda? Oo mabait sya 😁 hahaha, joke lang sige na nga maganda na birthday naman e. 😂 Sya lang din nasasabihan ko minsan ng sama ng loob ko sa iba. Okay naman syang sabihan kasi di naman nagdadaldal saka ulyanin din kasi. Ano pa ba?  Uhm. Na-seen sya ng crush nya nung August 7, 2015 5:01pm. Hahaha! Di ko na alam sasabihin ko, babati na ako.

Hi Winnie! Happy 16th birthday. Magbago ka sana, (ang gasgas na kasi ng ‘wag ka magbago e’) Joke lang! 😂 Alam ko naman na di ka magbabago e, forever chupol ka na. πŸ™‚ Sana next time doblehin mo babaunin mo, bigyan mo ‘ko mabait ka naman diba? Hahaha, kidding! Magtthrowback ako para humaba ‘tong message ko. Naalala mo ba nung nagka-away tayo? Nung sinabihan kita ng “Nakiki-room ka na nga lang mag-iingay ka pa” . Hahaha pag nagkkwentuhan kayo ni Trisha nun tapos may naririnig akong nakakatawa na sinasabi nyo todo pigil ako makitawa. Tangina ang hirap nun ah! Ang pabebe mo naman kasi e, nagalit ka agad. Arte arte. JOKE! 😂 Natatawa tuloy ako ngayon kasi naalala ko, pasulat sulat pa ako sa kamay ng “Sorry” nung pinag-uusap tayo nila Ones. Kingina kadiri maalala yon! So pabebe HAHAHA! Pero eto seryoso, ayoko na makipag-away ulit sayo, ikaw na nga lang nakakausap ko pag OP kila Ones makikipag-away pa ako. Ikaw na nga lang nakakaintindi ng kadramahan ko minsan e. Sayo lang ako nag oopen. Sana wag ka magsawa magbasa/makinig na rants ko. Masaya ako kasi kahit papaano may nakakaintindi sakin. Masaya ako na naging kaibigan kita. Masaya ako na may Winnie Anne akong nakilala, isang chupol na kalog na loka-loka haha :). Sana kahit di na tayo maging magkaklase, magkaibigan parin tayo. Sana di ka makalimot, sana mapag-open-an parin kita. Wag ka magbago, kung ano ka ngayon sana ganyan ka pa din sa susunod. Kung may problema ka alam mo na, punta ka dito bigyan kita kutsilyo. HAHAHA joke lang! Nandito lang ako, pwede kang mag open kung gusto mo, bigyan kita ng advice na pang gago. Joke lang ulit 😂 Basta nandito lang ako, kung kailangan mo ng kaibigan, karamay, advice, text mo lang ako, pero samahan mo na din ng load para may pang reply ako hahaha! Magsosorry din ako ngayon. Kung may times na naiinis o naooffend ka na sa iba kong sinasabi, sorry. πŸ™‚ Congrats pala kasi makikita mo na 5SOS! πŸ™‚ Kung dumating yung time na may kalandian ka na, wag mo kami pagpalit dun ah. Hahaha lol. Happy birthday ulit! πŸ™‚ Kailangan ko pa ba magsabi ng labyu? Wag na kadiri lang. Hahaha putangina mo ❀ More birthdays to come. Ang tanda mo na sweet sixteen. HAHAHAHA! 😂:)

May slideshow akong ginawa!! πŸ˜€
Nasa youtube. HAHAHAHAHA!

Ps. Ikaw unang taong ginawan ko ng message, matuwa ka, ma-touch ka, umiyak ka, humagulgol ka 😂

Pss. WAG MO KO PAGTAWANAN.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s